Friday, May 22, 2026

MMDA makikipagtulungan sa imbestigasyon sa insidente sa Senado, ibibigay ang kopya ng CCTV footages na hinihingi ng DOJ

Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipagtulungan sa mga awtoridad kaugnay sa imbestigasyon sa insidente sa Senado at patuloy na pagtugis kay Senato Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito ang tiniyak ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kasunod ng pahayag kahapon ng Department of Justice (DOJ) na hihingi sila ng kopya sa MMDA ng CCTV footages ng paligid ng Senado at ang paglabas ng bansa ng puganteng mambabatas.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Torre na ibibigay nila ang kinakailangang impormasyon ng mga ahensiyang nag-iimbestiga rito.

Pagdating naman sa pagpapaaresto kay Dela Rosa, sinabi ni Torre na dapat ipatupad na ito ngayong malinaw na legal ang arrest warrant at dapat sundin ng kapulisan ang proseso.

Sa kaparehong pulong balitaan nang sabihin ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda siya sakaling atasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumulong sa pag-aresto sa senador.

Facebook Comments