Kaso ng COVID-19 sa bansa, mas mababa ng 35% sa nakalipas na linggo

Nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 1,891 na kaso ng COVID-19 sa bansa mula January 16 hanggang kahapon January 22.

Ang average naman na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 270.

Ito ay mas mababa ng 35% kumpara sa mga kaso noong Enero 9 hanggang 15.


Sa mga bagong kaso, apat sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.

104 naman na COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments