Kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley MedicalCenter, Zero na

24
Cauayan City, Isabela- Wala nang binabantayang positibong kaso ng COVID-19 ang Cagayan Valley Medical Center.

Ito ang kinumpirma ni CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao.

Ayon kay Baggao, may apat na pasyenteng minomonitor dahil sa sintomas ng virus ngunit umaasa itong magnenegatibo ang resulta ng kanilang laboratoryo.

Kabilang ang dalawang pasyente mula sa Tabuk City, Kalinga habang tig-isa mula naman sa Tuguegarao City at Peñablanca sa Cagayan.

Kaugnay nito, patuloy ang paghimok ng health authorities sa publiko na sundin ang umiiral na health protocol laban sa COVID-19 at magpabakuna para sa dagdag na proteksyon.

Facebook Comments