LALAKI PATAY MATAPOS SUMEMPLANG DAHIL SA LAKAS NG ULAN SA LA UNION

23
Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider matapos sumpleng sa highway dahil sa lakas ng buhos ng ulan sa Brgy San Pablo, Balaoan, La Union.
Nakilala ito na si Nathaniel Rigua, 35 anyos.
Bago ang aksidente ay sakay ng kanyang motorsiklo si Rigua at tinatahak ang kahabaan ng National Highway.

Dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay dumulas ang motorsiklo sa kalsada at nawalan siya ng kontrol sa manibela na naging dahilan ng kanyang pagkatumba.
Isinugod pa sa pagamutan si Rigua dahil sa natamo nitong sugat sa ulo ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival ng doktor. | ifmnews
Facebook Comments