Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpapatibay ng mga hakbang pangkaligtasan at paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at bisita sa lalawigan ngayong Undas 2026.
Kaugnay nito, nagsagawa ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Preparedness and Disaster Risk Assessment o PDRA Meeting.
Layunin ng pulong na palakasin ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya at response teams upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang emergency sa buong lalawigan.
Kabilang sa mga hakbang na ipatutupad ang pinaigting na monitoring ng mga Response Clusters at Pangasinan PDRRM Council sa iba’t ibang lugar at istasyon, kasabay ng patuloy na pagbabantay sa kondisyon ng panahon at mga aktibidad kaugnay ng Undas.
Hihigpitin din ang ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices o LDRRMOs, lalo na sa mga pamayanang nasa baybayin at tabing-ilog, upang matiyak ang kahandaan ng mga lokal na responder at agarangpagpapakilos ng kinakailangang tulong.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layon ng Pamahalaang Panlalawigan na mabawasan ang mga panganib at mapanatili ang kaligtasan ng mga bisita sa buong panahon ng Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










