Inaasahang dadayuhin ng mga turista ang mga kilalang pasyalan sa Western Pangasinan ngayong Undas 2026.
Kabilang dito ang Hundred Islands National Park sa Alaminos City, Patar Beach at Bolinao Falls sa Bolinao, Tondol Beach sa Anda, at mga beach resort sa Dasol at iba pang karatig-bayan.
Kaugnay nito, binibigyang-diin ang kahalagahan ng seguridad, kalinisan at kahandaan sa mga emergency, partikular sa mga coastal destination.
Samantala, itataas ng Philippine Coast Guard ang alert status nito mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paghahanda sa pagdami ng mga biyahero.
Kabilang sa tututukan ang inspeksyon ng mga bangka, pagpigil sa overloading at pagpapatrolya sa karagatan.
Pinapayuhan din ang mga turistang tiyakin ang kondisyon ng panahon bago magsagawa ng island-hopping at iba pang water activities.
Gayunman, hinihintay pa ang opisyal na detalye ng kahandaan ng mga lokal na tourist destination, kabilang ang deployment ng mga lifeguard at rescue personnel. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








