Tuesday, July 21, 2026

Kaso ng pagpatay sa American biologist sa Negros Oriental, case solved na —PNP

Tinuturing nang case solved ng Philippine National Police (PNP) ang insidente ng pagpatay sa American marine biologist na si Kent Carpenter na binaril sa loob ng kanyang bahay sa Negros Oriental.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, ito ay case solved na dahil natukoy na ang mga suspek at nakapag-file na ng kaso sa mga ito.

Ayon kay Co, mula sa limang suspek ay nasa kabuuang 6 na suspek na ang inuugnay sa kaso ni Carpenter, kung saan may nadagdag pang isang suspek na iniimbestigahan pa ang naging parte sa insidente.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang dalawang suspek na kinabibilangan ni alyas “Eden”, habang 4 na suspek na ang nasa kustodiya ng pulisya.

Samantala, robbery pa rin ang tinitingnang motibo sa nasabing krimen.

Facebook Comments