Friday, July 17, 2026

4 sa 5 suspek sa pagpatay sa American Marine Biologist sa Negros Oriental, sumuko sa pulisya

Kinumpirma ni Philippine National Police – Public Information Office (PNP – PIO) Chief Police Police Col. Allen Rae Co na sumuko na kaninang madaling araw ang lumitaw na isa pang suspek sa pagpatay sa American Marine Biologist na si Kent Carpenter sa Negros Oriental.

Ayon kay Co, ang nasabing lumitaw na suspek ay nagsilbi umanong lookout nang maganap ang nasabing krimen.

Sumatotal ay nasa lima na ang tinuturing na suspek sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang suspek na si alyas Eden na hindi pa tukoy ng PNP ang partisipasyon.

Samantala, iniulat din ng pulisya na nagundergo na sa rape kit at mga test ang live-in partner ng nasabing napatay na Marine Biologist kung saan hinihintay na lang ang resulta sa nasabing eksaminasyon.

Bukod dito ay kinuhanan din umano ito ng DNA test kung saan hinihantay na rin na maturn over ang resulta nito sa pulisya.

Facebook Comments