Thursday, July 16, 2026

Malacañang, umaasang walang magiging drama sa pagtalakay ng impeachment trial sa isyu ng confidential funds

Umaasa ang Malacañang na magiging maayos at nakasentro sa katotohanan ang susunod na yugto ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, partikular sa pagtalakay sa isyu ng confidential funds.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inaasahan nilang walang drama, walang pagtatago ng katotohanan, at walang paglihis sa tunay na usapin sa paglilitis.

Sinabi ni Castro na ang mahalaga ay mailabas ang buong katotohanan, dahil ito ang inaasahan at nararapat malaman ng publiko.

Pahayag ito ni Castro kasunod ng pagpasok ng impeachment trial sa pagtalakay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong si Vice President Sara Duterte pa ang kalihim.

Facebook Comments