Tuesday, August 25, 2026

Kasong direct assault with frustrated murder, pormal nang naisampa sa suspek na nanaga sa pulis sa Camarines Sur

Pormal nang naisampa sa Korte ang kasong Direct Assault with Frustrated Murder laban sa suspek sa pananaga kay PSSg Noli Miraña ng San Jose Municipal Police Station sa Camarines Sur.

Nabatid na rumesponde ang unit na pinangungunahan ni Miraña kasunod ng ulat na may nag-amok na lalaki at armado ito ng bolo.

Kaugnay nito, isinampa ang nasabing kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office, Hall of Justice, Naga City, kung saan itinakda ang inirerekomendang piyansa sa halagang ₱120,000.00.

Nananatili naman sa pagamutan si PSSg Miraña at patuloy na nagpapagaling matapos sumailalim sa operasyon upang maibalik ang kanyang naputol na kaliwang kamay.

Facebook Comments