
Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang mas mabigat na multa sa mga nagmamanipula sa mga metro ng kuryente.
Ayon kay DOE Sec. Sharon Garin, ang hakbang na ito ng DOE ay dahil na rin sa hangaring maalis na ang system loss charge sa buwanang singil sa kuryente.
Layon din nitong palakasin ang kampanya laban sa ilegal na koneksiyon o “jumper.”
Dahil dito, mula sa kasalukuyang P5,000 na multa ay plano nila itong gawing P50,000 para sa mga lalabag sa Anti-Pilferage Law.
Sa kasalukuyang batas, sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o ang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994, ang ilegal na paggamit ng kuryente ay may parusang pagkakulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.
Facebook Comments










