
Suportado ng Malacañang ang panukala ng Department of Education (DepEd) na gawing mas flexible ang suspensyon ng klase tuwing may sakuna o masamang panahon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinag-aaralan ng DepEd ang pagdedesisyon batay sa aktuwal na kondisyon ng bawat paaralan at komunidad, sa halip na awtomatikong ipatupad ang suspensyon sa buong lalawigan, lungsod o munisipalidad.
Sa kabila nito, dapat pa ring makipag-ugnayan ang mga paaralan sa lokal na pamahalaan at magsagawa ng safety assessment bago magdesisyon.
Wala rin aniyang planong baguhin muli ang school calendar.
Para naman sa mga araw na walang face-to-face classes, gagamit ang DepEd ng mga alternatibong paraan ng pagtuturo para hindi maputol ang pag-aaral ng mga estudyante.










