Monday, August 24, 2026

Mga sagot sa mga tanong ng impeachment trial, tila kinabisado ng OVP disbursing officer Gina Acosta

Kapansin-pansin para sa House Prosecution Panel na tila kabisado at parang may template ng kanyang mga sagot si dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta sa pagpapatuloy ng pagharap sa impeachment trial.

Naobserbahan ni House prosecutor at Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na may iisang sagot lang si Acosta sa mga tanong sa kanya.

Ayon kay Flores malayo ito sa asal at ipinakita ni Acosta sa pagdinig noon ng House Committee on Good Goverment and Public Accountability kung saan lahat ng mga tanong at sinasagot niya.

Sabi naman ni House Prosecutors Adviser and Spokesperson Robert Ace Barbers, ang pagkakaroon ng iisa o de-kahon na sagot sa mga tanong ay maaring paraan ni Acosta para makaiwas sa mas marami pang mga tanong.

Dagdag pa ni Barbers, pwedeng less talk less mistake lang si Acosta o nagiging maingat sa pagsagot upang makaiwas sa pagkakamali.

Sa impeachment trial ay unang pinuna ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan ang paulit-ulit na sagot ni Acosta na ibinigay nya kay Col. Raymund Dante Lachica ang kabuuang P500 million na confidential funds dahil ito ang may alam at eksperto sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa kaugnay sa confidential activities.

Facebook Comments