
Inaanyayahan ng Drug Abuse Prevention and Control Office (DAPCO) Muntinlupa ang mga private companies at government offices na makiisa sa isasagawang Workplace Anti-Drug Abuse Program o WADAP ng lokal na pamahaan.
Ang WADAP ay isang comprehensive program na may preventive education, workplace policy, employee awareness and assistance, training, at drug testing.
Ang mga kwalipikadong workplace na matagumpay na maideklarang Drug-Free Workplace ay maaaring makatanggap ng ₱50,000 cash incentive mula sa Muntinlupa LGU.
Mangyaring makipag-coordinate lamang sa DAPCO Muntinlupa para sa orientation, requirements at scheduling.
Facebook Comments










