Monday, August 24, 2026

Bilang ng mga lugar sa Luzon na nagdeklara ng State of Calamity, umabot sa 102

Umabot na sa 102 na lugar sa Luzon ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng magkakasunod na Bagyong Luis, Maymay, Neneng, at ng Southwest Moonsoon o ng habagat.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang buong lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, at Cavite.

Nasa ilalim din ng State of Calamity ang Dagupan, Dagupan; Santa Barbara, Mangaldan Bugalion, Mangatarem sa Pangisinan; at La Trinidad sa Benguet.

Gayundin ang Rodriguez (Montalban),Rizal; Nasugbu, Batangas, at Sablayan sa Occidental Mindoro.

Samantala, aabot naman sa 7.5 milyong katao o katumbas ng 2.2 milyong pamilya ang naitalang naapektuhan na ng nasabing mga sama ng panahon.

Habang nasa 2,500 na ang naitala ng NDRRMC na nasirang kabahayan, P5.1 billion na halaga na nasira sa imprastraktura, at P1.7 billion naman na ang halaga ng nasira sa agrikultura.

Facebook Comments