
Nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) sa lahat ng media na maging maingat sa pag-uulat ng mga insidenteng sangkot ang mga menor de edad.
Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, kailangang pairalin ng state media ang pinakamataas na antas ng pag-iingat sa pagtalakay sa mga ganitong trahedya.
Hindi naman aniya magpapataw ang gobyerno ng anumang restriksyon sa private media, pero hinikayat ang mga ito na maging responsable sa kanilang coverage.
Partikular na binigyang-diin ni Gomez ang pagprotekta sa dignidad, kaligtasan at privacy ng mga menor de edad at mga naulilang pamilya.
Dapat ding iwasan ang mga detalyeng maaaring makaapekto sa isinasagawang imbestigasyon o magtulak sa panggagaya sa insidente.
Facebook Comments










