Ilang backyard piggery farms sa Barangay Lipit Sur, Manaoag, Pangasinan ang sinuri matapos makatanggap ng reklamo noong Hunyo 11, 2026.
Ayon sa ulat, inireklamo umano ng Barangay Lipit Sur Council sa lokal na pamahalaan ang umano’y hindi maayos na pangangasiwa ng mga babuyan sa lugar.
Dahil dito, pinuntahan ng mga kinatawan ng Sanitary Office, MENRO, MDRRMO, Tourism Office, BPLO, at PNP Manaoag ang mga naturang piggery at pinaalalahanan ang mga may-ari na ayusin ang kanilang pamamalakad para maiwasan ang perwisyong maaaring idulot nito sa mga residente.
Ibinigay din ang ilang hakbang para matiyak na maayos at responsableng naaalagaan ang kanilang mga baboy.
Kaugnay nito, nagpapatuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa sitwasyon para maiwasan ang panganib na maaari nitong madala sa kalusugan ng mga residente ng barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











