Monday, June 15, 2026

BuCor, nilinaw na nananatili sa Bilibid si Retired General Jovito Palparan

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatili sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si Retired General Jovito Palparan.

Ginawa ng BuCor ang paglilinaw kasunod ng manifestation ng private complainants na sina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño.

Sa harap ito ng ulat na wala na sa NBP si Palparan at dinala na raw sa PMA sa Baguio City.

Nilinaw ni BuCor Chief Gregorio Catapang na patuloy na nagsisilbi ng kanyang sentensya si Palparan sa premises ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Catapang, ang ano mang paglilipat sa inmates, lalo na kapag high-profile individuals tulad ni Palparan, ay dumadaan sa mahigpit na protocols at proper documentation.

Facebook Comments