Monday, May 11, 2026

Bantag at Dumlao, may Interpol Red Notice na — DILG

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nagpalabas na ng Red Notice ang International Police authorities laban kina dating  Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Gerald Bantag at dating  police officer Rafael Dumlao III.

Noong April 2023, nag-utos ang  Muntinlupa Regional Trial Court na hulihin si  Bantag may kinalaman sa pagkamatay ni Jun Villamor na umano’y   middleman sa pamamaslang sa   broadcaster na si Percy Lapid noong October 2022.

Itinanggi ni Bantag ang alegasyon sa kanya hinggil dito. May P2 milyong patong sa ulo si Bantag para sa ikadarakip nito.

Si Bantag ay sinasabing naninirahan sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Noong July 2024, binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang acquittal ni  Dumlao may kinalaman sa  2016 kidnapping at pagpatay sa  South Korean businessman Jee Ick Joo at sa halip ay nasentendiyahan ito ng habambuhay na pagkabilanggo batay sa ulat ng Korte Suprema. May P1 milyong patong sa ulo si Dumlap para sa ikadarakip nito.

Facebook Comments