Thursday, June 18, 2026

Ratification sa AICS Bill, umabot na sa deadlock sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso

COURTESY: Senate of the Philippines/Facebook

Humantong na sa deadlock ang pag-ratify sa panukalang pag-institutionalize sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Bill.

Sa special session kagabi, sinubukan pang hintayin ng Senado kung lalagdaan ng mga kongresista ang pag-adopt sa bersyon ng kanilang panukala.

Inanunsyo ni Senator Erwin Tulfo na ayaw pirmahan ng ilang kongresista ang panukalang batas at ipinaabot sa kanila ng Kamara na pag-aaralan pa ang ilang probisyon ng AICS bill.

Partikular na tinututulan ng mga kongresista ang Section 17 o ang Anti-Epal provision kung saan malinaw na nakasaad ang pagbabawal sa mga politiko na mamigay ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dahil dito, pag-uusapan na lamang sa bicameral conference committee ang panukala para maplantsa ang pinagtatalunang probisyon.

Facebook Comments