Wednesday, June 17, 2026

Labi ng isa pang OFW na nasawi sa pamamaril ng anak ng amo sa Lebanon, naiuwi na rin sa pamilya sa Dipolog

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na naiuwi na sa kaniyang pamilya sa Dipolog City ang labi ng isa pang OFW na nasawi sa pamamaril ng anak ng kanilang amo sa Lebanon.

Ang OFW na si Honeylith Zamoras ay kabilang sa nasawi sa nasabing shooting incident kasama ang isa pang OFW na si Rona Jean Gervoso.

Humingi naman ang DMW ng paumanin sa pamilya nina Zamoras at Gervoso sa pagkakapalit ng labi ng dalawa.

Nangako ang DMW na pananagutin ang mga nasa likod ng pagkakapalit ng labi ng dalawang OFWS.

Inatasan na rin ng DMW ang Labor Attaché sa Lebanon na makipag-ugnayan sa mga otoridad at magsagawa ng mga ligal na hakbang para matukoy at mapanagot ang mga sangkot.

Tiniyak din ng ahensya ang patuloy na pagtutok sa kaso hanggang makamit ang hustisya para sa dalawang Pinoy workers.

Una na ring naiuwi sa Antique ang labi ni Gervoso.

Facebook Comments