Pinalalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng isinagawang Youth Forum on Teenage Pregnancy sa Turac Elementary School sa San Carlos City, Pangasinan noong Nobyembre 19, 2026.
Tinalakay sa naturang programa ang mga posibleng sanhi at epekto ng maagang pagbubuntis, partikular sa kalusugan, edukasyon, at kinabukasan ng mga kabataan.
Binigyang-diin din sa talakayan ang kahalagahan ng kaalaman sa reproductive health, personal na kaligtasan, at responsableng pagpapasya upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.
Layunin ng programa na mahubog ang mga kabataang may sapat na kaalaman, may kakayahang gumawa ng matalinong desisyon, at responsable sa kanilang sarili at kinabukasan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, inaasahang higit na magiging mulat at responsable ang mga kabataan sa kanilang mga desisyon, tungo sa mas ligtas, maayos, at magandang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










