Kris Aquino, papasok lang sa relasyon kung approved kay Bimby

28

Aminado si Kris Aquino na gusto niyang pumasok muli sa relasyon, ngunit dapat aprubado ng anak na si Bimby Aquino Yap.
Sa bagong episode ng kanyang social media video na “Unscripted With Kris” na in-upload noong April 30, nagsilbing host si Bimby at tinanong ang kanyang ina tungkol sa kanyang lovelife. Tanong niya kay Kris, “Would you want another relationship in the future?”
Sagot ni Kris, “Yes, of course. Only if he is Bimby approved. With the Bimb’s seal of approval.”
Sa tanong kung magmamahal pa siyang muli, nag-balik-tanong si Kris, “Are you letting me?” Umoo naman si Bimby.
Ipinahayag din ng aktres at host na magiging mahirap daw ito para sa sinumang magiging karelasyon niya dahil pangalawa lamang ito sa kanyang mga anak.
Tanong din ni Bimby, “Will you ever be betrayed again?”
Sagot naman ni Kris, “I think we have been betrayed too many times, dude.
“No, but God, I think will grant us someone good, finally.”

Facebook Comments