Saturday, June 13, 2026

Pagsugpo sa ilegal na kalakalan ng tobacco sa bansa, pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno

Magtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan para sugpuin ang laganap na ilegal na kalakalan ng tobacco sa buong bansa.

Pangungunahan ni Department of Agriculture at National Tobacco Administration ang ikatlong International Tobacco Summit na may temang “Leveraging Growth, Securing Futures: Enhancing Livelihood and Revenue against Illicit Trade” sa Huwebes, June 18 sa Marco Polo Ortigas Manila sa Pasig City.

Nakatuon ang summit sa pagtugon sa mga hamong pang-ekonomiya at pagkawala ng P141-B na kita ng pamahalaan dahil sa iligal na kalakalan ng tabako sa Pilipinas mula 2024 hanggang 2025 na nagresulta ng paghina din ng kabuhayan sa sektor ng agrikultura.

Samantala, inaasahan namang dadalo sa summit ang opisyal ng pamahalaan, regulator, law enforcement agencies, mga stakeholder ng industriya, at mga internasyonal na eksperto.

Facebook Comments