KULONG | Isang barangay kagawad, arestado sa buy bust operation ng PDEA

Arestado ang isang Barangay Kagawad kasama ang kaniyang asawa sa ikinasang buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency-(PDEA) Region 12.

Kinilala ang barangay kagawad na si Baitanto Duyang at asawa nito na si Mohasirin Duyang ng Barangay Tinagacan.

Narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa kanila ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P142,000.


Nabatid na itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang high valued target ang naarestong barangay kagawad at asawa nito.

Matagal na din minamanmanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Baitanto at Mohasirin at napag-alaman na kumukuha ito ng shabu sa Cotabato City.

Facebook Comments