Saturday, June 13, 2026

Salitang “walang hiya,” mas bagay na paglalarawan sa mga Duterte —Malacañang

Binuweltahan ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na wala siyang balak agawin ang puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi niya sinusuportahan ang anumang extra-constitutional na hakbang laban sa administrasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi maaaring itanggi ng Bise Presidente na noon pa man ay hayagan na nitong ipinahayag ang kagustuhang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Marcos.

Tinukoy ni Castro ang talumpati umano ni Duterte sa The Netherlands noong Hulyo 19, 2025 kung saan sinabi nitong nais nilang mapaalis sa puwesto ang Pangulo.

Kung talagang tutol aniya ang Bise Presidente sa mga destabilization efforts, dapat nitong pigilan ang mga kaalyado na umano’y nagsusulong nito.

Sinagot din ng Castro ang ang pagtawag ni VP Sara kay Pangulong Marcos na “walang hiya” na mas bagay umano sa mga Duterte.

Ang naturang paglalarawan ay hindi aniya akma sa Pangulo kundi sa mga taong sangkot umano sa karahasan, pananakot, at pagpapakalat ng fake news.

Facebook Comments