
Inatasan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto ng PAL Express na magreport sa kanila matapos itong mag-emergency landing kahapon sa Iloilo.
Nabatid na kinulang sa oxygen ang cabin ng PAL Express flight GAP2544 kaya nag-emergency landing ito sa Iloilo International Airport.
Partikular na pinag-re-report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto sa kanilang Flight Standards and Inspectorate Service (FSIS) bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.
Nabatid na patungo sana ng Manila ang eroplano ng PAL Express nang magkaroon ito ng pressurization issue.
Ang naturang aircraft ay may sakay na 175 mga pasahero kung saan tatlo rito ay mga sanggol.
Ilan sa mga pasahero ang humingi ng medical assistance.










