Monday, April 20, 2026

MAHIGIT 3,505 SCHOLARS ANG MATAGUMPAY NA NAKATANGGAP NG ALLOWANCE SA ALAMINOS CITY

Matagumpay na naisagawa ang Day 1 ng Releasing of Scholars’ Allowances para sa Category B, 2nd Semester ng SY 2025–2026, na ginanap sa isang Convention Center sa Alaminos City noong A-bente (20) ng Abril.

Umabot sa kabuuang 3,505 iskolar ang nakatanggap ng kanilang allowance, bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa edukasyon ng kabataan.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Claress Jade Banogon, na nagbahagi ng kanyang inspirasyonal na kwento ng pagsusumikap at tagumpay bilang isang Cum Laude sa kursong BA Communication Major in Broadcast Communication. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng determinasyon at tiyaga sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Ayon sa lokal na Pamahalaan, Muli nilang pinagtibay ang kapakanan at kinabukasan ng mga mag-aaral sa lungsod.

Patuloy ang panawagan sa mga iskolar na magsikap at paghusayin ang kanilang pag-aaral, bilang paghahanda sa mas maliwanag na kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments