TRAFFIC REROUTING AT PARKING PLAN PARA SA CENTENNIAL CANONICAL CORONATION NG MANAOAG, INANUSYO NA SA PUBLIKO

Inilabas na ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang opisyal na traffic rerouting scheme at mga alternatibong ruta bilang paghahanda sa pagdiriwang ng 100th Anniversary ng Canonical Coronation ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag na nakatakda sa Abril 20 hanggang 22, 2026.

Kasama sa inilabas na plano ang hiwalay na mga ruta para sa mga debotong lalahok sa selebrasyon at sa mga motorista na dadaan lamang sa bayan upang maiwasan ang matinding sikip ng daloy ng trapiko.

Upang mas mapadali ang pag-access, inilabas ang QR code na maaaring i-scan para makita ang detalyadong ruta at parking locations sa online maps.

Bukod dito, itinalaga rin ng LGU ang mga parking area para sa mga sasakyang dadalo.

Samantala, muli namang nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa publiko na magplano ng biyahe nang mas maaga, asahan ang mabigat na trapiko at sundin ang mga ipatutupad na traffic signs at rerouting schemes sa buong panahon ng selebrasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments