
Nilinaw ni Senator Ping Lacson na hindi niya minamasama ang debate sa isang mosyon, resolusyon o panukala.
Ang reaksyon ni Lacson ay kaugnay sa naging livestream ni Senate President Alan Peter Cayetano kung saan kinukwestyon niya kung mali ba na baguhin ang rules ng senado.
Matatandaang nag-walk out ang mga miyembro ng minorya noong Martes sa sesyon dahil sa mosyon na pahintulutan ang virtual participation ng isang senador sa sesyon.
Idiniin ni Lacson na hindi siya tutol na pagdebatehan ang naturang mosyon kundi ang kanyang kinokontra ay ang pagmamadali sa proseso para maipasa ang mosyon.
Ipinunto ng senador na ang mali ay isantabi ang rules at parliamentary procedures para madaliin ang pagpapatibay sa mosyon na nai-refer naman sa Committee on Rules na hanggang ngayon ay hindi pa nako-constitute o nakukumpleto.
Dagdag pa ng mambabatas, maaaring amyendahan ang rules pero kinakailangang sumunod sila sa procedures o sa proseso.










