Labi ng 4 na sakay ng bumagsak na Cessna plane, hindi pa rin tuluyang naibababa mula sa Bulkang Mayon

Hindi pa rin tuluyang naibababa mula sa Bulkang Mayon ang labi ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Albay.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, malakas ang ulan ngayon sa Albay kaya lalong nahihirapan ang retrieval team.

Bukod dito, patuloy rin ang erosion o pagguho ng mga bato sa dalisdis ng bulkan.


Sinabi ni Apolonio na posibleng ngayong hapon ay tuluyan nang maibaba ang labi ng dalawang piloto at dalawang dayuhan na pasahero.

Aniya, naka-abang na rin ang chopper ng Philippine Air Force na mag-i-airlift sa mga labi.

Facebook Comments