
Ilang araw bago ang pagbabalik eskwela ngayong taon, bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang paaralan sa Metro Manila para silipin ang kahaandaan ng mga ito.
Kasama ni PBBM si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, Labor Secretary Francis Tolentino at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nang magtungo ngayong umaga sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City para sa Brigada Eskwela Kick-off.
Ininspeksiyon ni PBBM ang ginagawang preparasyon ng paaralan kabilang ang mga pasilidad habang pinanunahan din niya ang story telling sa ilang mga piling mag-aaral ng Grade 1.
Sa ambush interview, sinabi ng Pangulong Marcos Jr. na katuwang sa paglilinis ngayon ng mga paaralan ang mga benepisyaryo ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment.
Sa ilalim nito ay nasa P5,000 ang matatanggap na sahod ng mga tupad beneficiaries kapalit ng kanilang pagtulong sa paglilinis ng mga school.










