
Pinagiisipang sumuko, ito ang sinabi ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla sa ambush interview na ginanap sa Camp Karingal nang tanungin ito kung ano ang naging resulta ng usapan nila ni Senator Jinggoy Estrada sakaling lumabas na ang arrest warrant nito sa kasong plunder at graft.
Ayon kay Remulla, nagsabi sa kaniya si Estrada na may iniinda itong sa kaniyang tuhod at ito ang naging concern umano ng Senador.
Aniya, wala sa kanilang jurisdiction ang pagpapasya at sa Sandiganbayan siya dapat magpaliwanag ukol dito.
Nabatid na ito na ang pangatlong beses na naharap sa nasabing kaso ang senador kung kaya’t naniniwala si Remulla na pagsuko ang gagawin nito.
Habang kasama rin ni Estrada na sinampahan ng kasong plunder at graft sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan at tatlong iba pang opisyal.
Tiniyak naman ni Remulla na hindi nila bibigyan ng special treatment si Estrada sakaling ito ay maaresto o sumuko na.










