
Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na walang malulutas na problema ang ginawa ng majority bloc na hindi pagdalo sa sesyon kahapon.
Ayon kay Lacson, ang sinasabing pagtindig ni Senate President Alan Peter Cayetano at ng mga majority bloc senators sa kalayaan ng Senado ay hindi nangangahulugan na higit sila sa batas.
Ang kapabayaan sa tungkulin ay hindi makakaresolba ng partisan gridlock o pagiging hati ng Senado.
Sinabi pa ng senador na ang pagliban sa trabaho ng mga senador ng mayorya ay pag-hostage sa trabaho ng lehislatura.
Naniniwala ang mambabatas na ang pag-aresto kay Senator Jinggoy Estrada ay isang hakbang tungo sa pagbibigay ng hustisya, sa parehong panig ni Estrada o ng libo-libong biktima ng baha.
Samantala, hiling naman ni Lacson para sa kanyang kaarawan kahapon, makabangon muli ang integridad, dignidad at reputasyon ng Senado pero higit sa lahat ay maibalik ang tiwala at kumpyansa ng publiko sa institusyon.










