
Maglulunsad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mga programa para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya ngayong National Migrant Workers’ Month.
Ito ay bilang pagkilala sa mga OFW na patuloy na nagbibigay ng pag-asa, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at sa bansa.
Kabilang sa mga programang ilulunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang libreng BT-PSSR Training para sa mga seafarers sa katuwang ang National Maritime Polytechnic (NMP).
Tiniyak din ng OWWA ang paglagda nila sa mga kasunduang magpapalawak ng skills training at upskilling opportunities para sa OFWs.
Facebook Comments










