
Nagpatupad ng masusing inspeksyon ang mga awtoridad sa San Fabian bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling ng sigarilyo at iba pang kontrabando.
Pinangunahan San Fabian Municipal Police Station, ang direktiba na siyasatin ang lahat ng closed vans na dumaraan sa nasabing bayan. Isinagawa ang operasyon noong Abril 29, 2026.
Ayon sa pulisya, layunin ng hakbang na ito na pigilan ang paggamit sa mga pangunahing kalsada ng bayan bilang ruta ng ilegal na kalakalan, partikular ang pagpasok ng smuggled na sigarilyo.
Sa pamamagitan ng mahigpit na presensya ng kapulisan sa mga pangunahing lansangan, inaasahang masisiguro na sumusunod sa batas ang mga sasakyang nagbibiyahe ng kargamento.
Dagdag pa ng mga awtoridad, mahalaga ang ganitong uri ng operasyon upang maprotektahan ang lokal na ekonomiya laban sa pagpasok ng mga produktong hindi dumaan sa tamang buwis at regulasyon.
Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa smuggling at iba pang ilegal na gawain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










