LALAKI, ARESTADO SA PANGMOMOLESTIYA

28
Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki sa pangmomolestiya ng isang ginang sa Kasibu, Nueva Vizcaya nitong Miyerkules, Agosto 24, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas Rico, 30 anyos at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Police Reginal Office 2 (PRO 2), bago mangyari ang insidente, nag-inuman pa umano ang biktima kasama ang mga kaibigan, kaanak at suspek sa isang selebrasyon ng barangay bandang alas 5:00 ng parehong araw.

Nang tinamaan na ng kalasingan, dinala ng lalaking suspek ang biktima sa kanyang bahay at doon ginawa krimen.

Itinawag naman ng ina ng biktima ang pangyayari sa PNP Kasibu.

Nagsagawa naman agad ng hot pursuit operation ang kapulisan na nag resulta ng pagkakadakip ng suspek.



Ang suspek na si alyas Rico ay nahaharap sa kasong paglabas sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Facebook Comments