Malaysian businessman na target dukutin, naagapan ng mga awtoridad

70

Nailigtas mula sa kamay ng mga kidnapper ang isang Malaysian businessman.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba, hinarang ng mga suspek ang minamanehong sasakyan ng biktima at pwersahan itong sinakay sa getaway vehicle.

Nang makita ng duty guard ng establisyemento kung saan nagtatrabaho ang biktima, agad itong nagpasaklolo sa mga pulis.


Agad namang rumesponde ang Bamban Tarlac Municipal Police Station, dahilan para mahuli ang mga suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Carmelito Damuya De la Cruz, 58; Alexander Meyer Sumagay, 40; John Rey Perez Valderama, 26, Obet Endrada Tobias, 40, at Der Jien Chiw, 33, Malaysian.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen kung saan hawak na ng mga pulis ang mga suspek para sa proper disposition.



Facebook Comments