
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtungo sa Angeles City, Pampanga upang tulungan ang mga biktima ng gumuhong gusali.
Ayon kay Gatchalian, kabilang sa prayoridad na tutulungan ng ahensya ang mga survivor, construction worker na nawalan ng trabaho, at mga pamilyang naapektuhan ng insidente.
Magbibigay ang DSWD ng ₱10,000 cash assistance para may agarang magamit ang mga manggagawa at kanilang pamilya, lalo na’t marami sa kanila ang nawalan ng tirahan at gamit matapos ang pagguho.
May nakalaan ding livelihood assistance na nagkakahalaga ng ₱15,000 hanggang ₱20,000, bukod pa sa burial at medical assistance para sa mga nasawi at nasugatan.
Sinabi rin ng kalihim na karamihan sa mga construction worker ay mula pa sa ibang probinsiya kaya sisiguraduhin ng ahensiya na may tulong silang matatanggap bago makauwi.
Sa pinakahuling tala, apat na ang kumpirmadong nasawi habang 16 pa ang nawawala matapos gumuho ang siyam na palapag na gusaling under construction noong Linggo.










