
Maagang nagkasa ng walk through sa Quezon City ang kapulisan simula sa Capitol State, Commonwealth Avenue hanggang Batasan Hills Sabado ng umaga, July 25.
Ito ay para mag-inspeksyon sa mga kalsada bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes, July 27, kasama ang lahat ng government agency na involed, gaya ng mga personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Government, at iba pa.
Ayon kay NCRPO Police Major General Anthony Aberin, okay ang naging walk-through at wala umano silang nakikitang kailangang baguhin, maliban na lang kung kailangan nilang magdagdag ng bilang ng mga pulis na ide-deploy ngayong araw hanggang sa SONA ng Pangulo.
Samantala, may panawagan naman si Police Major General Aberin sa mga organizer ng kilos-protesta sa araw ng SONA ng Pangulo.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Police Major Aberin na hindi kailangan mag-apply ng permit ng Iglesia ni Cristo (INC) dahil anibersaryo maman umano ng kanilang simbahan ang aktibidad nila.










