70 WANTED PERSONS, NAARESTO SA ISANG LINGGONG MANHUNT OPERATIONS NG PRO 1

Nasa 70 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakaugnay na manhunt operations na isinagawa sa buong Ilocos Region mula Hulyo 15 hanggang 21, 2026.

Sa tala ng PRO 1, kabilang sa mga nadakip ang dalawang Regional Most Wanted Persons, apat na Provincial Most Wanted Persons, tatlong Municipal Most Wanted Persons, at 61 iba pang wanted persons.

Ayon sa PRO 1, naging matagumpay ang isang linggong operasyon sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng warrant service operations, masusing intelligence monitoring, at mahigpit na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa rehiyon.

Muling iginiit ng tangapan ang matatag na paninindigan ng kapulisan na tugisin ang lahat ng mga pinaghahanap ng batas.

Tiniyak naman ng mga ito na magpapatuloy ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, mapalakas ang tiwala ng publiko sa law enforcement, at gawing mas ligtas ang mga komunidad sa buong Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments