
Hindi pa umano tapos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilalaman ng kaniyang talumpati para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na maaaring may baguhin pa rin siya dito o idagdag kahit isang oras bago mag-umpisa ang kaniyang talumpati.
Ayon kay PBBM, pinupulido na niya ito ngayon para hindi maging masyadong mahaba o maiksi at nakalagay ang lahat ng gusto niyang talakayin.
Sisiguraduhin din daw ng Pangulo na maipapaalam sa lahat ang mga naging accomplishments ng administrasyon sa nakalipas na isang taon.
Sa tanong naman kung isasama rito sa kaniyang talumpati ang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng korapsiyon, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na “abangan ang susunod na kabanata.”










