LALAKI SA DAGUPAN CITY, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Arestado ang isang trentay nuwebe anyos na lalaki matapos ang ikinasang Buy Bust Operation laban sa kanya sa Dagupan City.
Ang suspek ay nakilalang si Jhon Naungayan residente ng Brgy Pantal.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng Gabi sa malapit sa isang bus terminal sa nasabing Lungsod.

Nagresulta ito ng pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang Sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang limang gramo at nagkakahalaga ng mahigit sa tatlumpung libong piso.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments