Monday, May 11, 2026

WANTED SA KASONG STATUTORY RAPE, ARESTADO SA SAN QUINTIN

Naaresto ng mga tauhan ng San Quintin Municipal Police Station ang isang 40-anyos na lalaki na wanted sa kasong statutory rape sa isinagawang law enforcement operation sa Barangay Alac, San Quintin, Pangasinan noong Mayo 8, 2026.

Kinilala ng pulisya ang suspek bilang residente ng nasabing barangay. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman kaugnay ng kinahaharap nitong kasong statutory rape.

Ayon sa pulisya, mapayapang naisagawa ang operasyon sa koordinasyon ng iba pang kinauukulang awtoridad. Kaagad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa batas matapos itong arestuhin.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa San Quintin Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at medical examination bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant of arrest.

Patuloy naman ang kampanya ng San Quintin Municipal Police Station laban sa kriminalidad bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments