
Bumuwelta si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na tinawag siyang “papansin”.
Sinabi kasi ni Duterte na hindi na umano dapat bigyan ng halaga ang mga salita ni Castro dahil nafi-feed umano ang papansin na ugali nito.
Ayon kay Castro, wala siyang papansin na ugali at sumasagot lamang siya sa mga tanong ng media.
Wala rin daw siyang binibigay na pahayag na hindi naaayon sa Palasyo at lalong hindi raw siya nagpapapansin kay Duterte.
May banat din si Castro sa pangalawang pangulo sa sinabi nito na hindi raw nagtatrabaho si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dinepensahan din ni Castro si PBBM at iginiit na abala ito sa ASEAN Summit at tiningnan din niya ang sitwasyon sa Albay kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.










