Lalaking May Kasong Paglabag sa VAWC Law, Nadakip sa City of Ilagan, Isabela!

*Ilagan City, Isabela- *Natimbog na ang isang lalaki na may kasong Paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa brgy Cabisera 8, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Allan Pattugalan, 27 anyos, may asawa at residente ng brgy Namabbalan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Ilagan City, Isabela si Pattugalan sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 2nd Judicial Region, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262.


Dinala na sa Ilagan City Police Station si Pattugalan para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng dalawampu’t apat na libong piso (24,000.00).

Facebook Comments