Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat lumabas ang buong katotohanan sa nangyaring kaguluhan at pamamaril sa Senado.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na malinaw ang utos ng pangulo na tiyaking magiging patas, makatotohanan, at walang kinikilingan ang imbestigasyon sa insidente.
Ayon kay Matibag, nais mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matukoy kung sino ang nagkulang at kung sino ang dapat managot sa nangyari.
Samantala, tiniyak naman ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez na gagawin ng Philippine National Police (PNP) ang lahat upang mapabilis ang pagresolba sa kaso.
Gayunman, sinabi ni Nartatez na hindi pa matiyak sa ngayon ang eksaktong nangyari dahil nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon.










