MGA ESTUDYANTE MULA BINALONAN, WAGI SA ROBOTICS COMPETITION SA ROMANIA

Nagbigay ng karangalan sa Binalonan ang Robotics Team ng Juan G. Macaraeg National High School matapos mag-uwi ng anim na major awards sa 14th International Robotics Competition na naganap kamakailan sa Oradea, Romania.

Mahigit 700 participants mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa kompetisyon, na itinuturing na isa sa pinakamahigpit at prestihiyosong robotics competitions sa mundo.

Kabilang sa kanilang napanalunan ang 1st Place sa Erobot Challenge (E-Soccerbot), 2nd Place sa Super AI Track Advanced at Line Follower Junior, at 3rd Place sa Humanoid Robot Football at Mega Sumo.

Pinangunahan ang delegasyon nina coach Cathleen Faith D. Martinez at Richealyn C. Tadeo kasama ang mga student participants na sina Ac L. Bergonia, Rhianna Ignacio, Jaden Miguel V. Quetives, Ashra C. Gabales, at Carl Jevon G. Mariano.

Sa kabila ng matitinding kalaban, ipinamalas ng mga estudyante ng Binalonan ang husay at determinasyon ng kabataang Pilipino sa larangan ng robotics at innovation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments