Lalaking Nahulian ng Baril sa Benito Soliven, Arestado!

26

Benito Soliven- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act ang isang lalaki matapos mahuli ng magsagawa ng check point ang kapulisan sa Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Joel Salaguinto, 39 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. San Fancisco, Benito Soliven, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng Benito Soliven, nakita umano ng kapulisang nagsasagawa ng check point ang isang kahinahinalang kulay pulang motorsiklo na huminto malapit sa lokasyon ng mga ito at agad na pinatakbo ang kanyang motorsiklo papalayo.

Hinabol naman umano ng kapulisan ang suspek na agad namang nahuli at narekober mula sa kanya ang isang unit ng 38 caliber ng baril na may serial number na 9C8143 at 12 piraso ng bala.

Samantala, agad namang dinala sa himpilan ng PNP si Salaguinto para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments