KILAY PA MORE! | Kilalanin ang “Madam Kilay” ng Thailand

67

Thailand – Kilay is life!

Pero isang babae sa Thailand ang nadismya matapos na hindi ma-achieve ang pinapangarap niyang kilay.

Kwento ni Kanyarat Dew Chaichan, naisipan niyang magpa-tattoo ng permanenteng kilay matapos na ma-inspire sa mga nakikita niya sa Facebook.

Pero dahil hindi kaya ng budget, nagpa-tattoo na lang siya sa isang tattoo artist na walang masyadong karansan.

At dahil may kasabihan nga na “You’ve Always Get What You’ve Paid For” hindi naging maganda ang kinalabasan ng tattoo… kung saan na-doble ang kapal ng kanyang kilay!

Matapos na mag-rant sa Facebook, maswerte pa rin si Chaichan dahil isang professional beauty therapist ang nakabasa nito at inalok siya ng libreng serbisyo para itama ang kanyang kilay.

Wala raw ibang hininging kapalit ang beauty therapist kundi ang i-post din sa FB ang gagawing pagsasaayos sa kanyang kilay.

Facebook Comments